Jan 29, 2015

Presensiya

Nakakubli ka man sa aking mga mata
Dama ko pa rin ang iyong presensiya,
Christopher kong sinta.

Ramdam kong kay lapit mo,
hindi man landas natin ngayo'y magtagpo.
Saglit lang naman ito,
Yan ay natitiyak ko sa'yo.

Kahit pilit mong ibahin
tadhana natin,
Tanging nais Niya ang siyang
magtatagumpay pa rin!

Sandali na lang,
O sandali na lang!


No comments:

Post a Comment

Follow iamreborn on Twitter