Nov 20, 2017

Pananabik

May kirot sa aking puso sa mga oras na ito
kirot na dala ng pangungulila sa iyo...
kirot na dala ng nabuhay na pagasa
na baka sakaling sa ngayon ako ay maaari nang lumigaya...

May pagaasam dala ng pananabik
na mayakap mong muli...
na madama muli ang init na dumadaluyong mula sa 'yong mga bisig...
O! Kasalanan mo ito!
Kung di kasi sa bawat pagkikita
may pakimkim na yakap ka!

May agam-agam din akong kinikimkim
sa takot kong biro lang ang lahat...
sa takot kong maglaho lang ng parang bula...
sa kalituhan din sa mga binibitawan mong salita taliwas sa pinadarama...

Kung saan man hahantong ang yugtong ito
dalangin ko'y ang pagmamahal na umusbong sa puso ko
ay magbunga ng ngiti sa ating mga labi...
Tanging Diyos ang nakakaalam.
Diyos lamang!


Follow iamreborn on Twitter