Sep 18, 2012

Bugso Ng Damdamin

Alin ba ang mas masakit?
Ang hindi ka kibuin dahil sa hapdi ng sakit na nadama...
O ang ilayo ang iyong sarili sa aking pagsinta?

Ilang beses, ilang ulit, paano na nga ba...
Ang gagawin ng isang nagmamahal sa iyo sinta?

Tuliro sa tuwina hindi ka makausap...
Pero pag kasama nama'y daig pa ang mga bata,
maharot, malikot, makulit sa isa't-isa--hanggang sa magkapikunan na...

Naguumapaw damdamin ko para sa iyo,
Kulang na lang ibulong sa tenga mo...
"Oo, minamahal kita, may magagawa ka ba? Ako man ay balisa kapag hindi nakakapiling ka!"

San ba patutungo ang nadarama...
Hindi alam kung nangangarap na mahal mo rin ako sinta...
Masakit, mapait, masaya, walang kasiguruhan,
Walang pakialam kahit magmukhang timang...

Lahat gagawin para sa iyo,
Hay...eto nanaman ako!

Sep 8, 2012

ecstatico de bliss

Minsan mas gusto ko pang hindi nalalaman
ang mangyayari sa kinabukasan,
kay hirap umasa,
mapait na masaya...
hindi maubos maisip paano hahantong,

na pagmamahal mo't pagmamahal ko'y durugtong...
mapait na masaya...
pagkat ngayon pa lang ay mahal na kita...
Follow iamreborn on Twitter