Aug 31, 2015

Requiem In Pace

Requiem in pace!
Bati kong sa iyo ipinahahatid
      sa pagsasara sa wakas
      ng kwento nating dalawa.
O, Scrumpy ng aking alaala!

Sa kagustuhang ipalutang
       ang katotohanan sa Madla
       at iwaksi ang kamalian sa kanilang akala
       ukol sa mapagkubli mong katauhan,
Hindi sumagi sa isip na
       puso mo'y masasaktan...

'Di mo man ako pinakinggan,
       mabuti nang ito'y naranasan.
Dahil kabutihang dala nito,
        ang mawala ka na sa buhay ko!

Sa wakas, malaya na ako!
Sa panlilinlang...
    sa kasinungalingan...
        sa kahirapang iyong tangan!
O tanging dulot nito sa aki'y kasiyahan!

Requiem In Pace, Christopher!
Tapos na! Tapos na!
Ika'y bahagi na lamang ng aking gunita!

#RIP


Follow iamreborn on Twitter