Kay pait na ikinubli ka na sa akin ng Langit!
Marahil upang h'wag masaktan
'pag nakita ang 'yong kagipitan
bunga ng katigasan ng puso mo't isipan.
Galit sa iyo'y matagal nang humapaw
At napalitan ng pag-ibig na naguumapaw!
Na siya namang pinaiigting ng Maykapal
sa Kanyang pagkipkip sa iyong kinaroroonan.
Maghapo'y nabulabog sa silakbo ng puso't damdamin
na tanging pangalan mo ang isinisigaw!
Dahil sa kadiliman,
Pinagtitibay,
Pinadadalisay,
Pagmamahal ko sa iyo, Christopher!
Dec 22, 2014
Sep 25, 2014
Nasugatang Pag-ibig
Nauunawaan mo ba
Kung saan nagmumula,
Kung bakit nagsisilakbo
Ang aking puso?
Sa likod ng pagtangis at galit
Ng aking labi
Sa likod ng pagtago at paglayo
Ng aking sarili
Walang ibang dahilang namumukod-tangi
Kung hindi ang pagmamahal ng labis
Ng isang taong nasaktan mo
lampas langit...
O, Christopher!
Kung saan nagmumula,
Kung bakit nagsisilakbo
Ang aking puso?
Sa likod ng pagtangis at galit
Ng aking labi
Sa likod ng pagtago at paglayo
Ng aking sarili
Walang ibang dahilang namumukod-tangi
Kung hindi ang pagmamahal ng labis
Ng isang taong nasaktan mo
lampas langit...
O, Christopher!
Sep 18, 2014
Kasakimang Mapagkunwari
Sa paglipas ng panahon,
Sa patuloy mong paghimlim--
Na wari ako'y isang malamig nang katawan
Baon sa lupa't limot ng iyong karimlan.
Unti-unti ko nang tanggap
Na lahat ng "pagmamahal"
Na bunga ng iyong labi at gawi
Ay isang natatanging obra't palabas
...Nilinlang
...Ginamit
...Para makamit ang pangarap mong labis!
Nalalaman mo ba ang hapdi't pait?!
Naranasan mo na ba ang sakit?!!
Na sa aking puso'y iyong itinarak...
Na sa aking kaluluwa'y iyong pinangwasak...
Tagos.
Lubos.
Ang iyong Kasakiman!
Kay ganda ng iyong isinukli
Sa pagmamahal kong inalay...
O, Christopher!
Sa patuloy mong paghimlim--
Na wari ako'y isang malamig nang katawan
Baon sa lupa't limot ng iyong karimlan.
Unti-unti ko nang tanggap
Na lahat ng "pagmamahal"
Na bunga ng iyong labi at gawi
Ay isang natatanging obra't palabas
...Nilinlang
...Ginamit
...Para makamit ang pangarap mong labis!
Nalalaman mo ba ang hapdi't pait?!
Naranasan mo na ba ang sakit?!!
Na sa aking puso'y iyong itinarak...
Na sa aking kaluluwa'y iyong pinangwasak...
Tagos.
Lubos.
Ang iyong Kasakiman!
Kay ganda ng iyong isinukli
Sa pagmamahal kong inalay...
O, Christopher!
Aug 7, 2014
Bulag, Pipi, at Bingi
Sa iyong pananahimik,
Damang-dama ko ang iyong pagkamanhid...
Na animo'y wala kang narinig...
Na sa kisap-mata, ang tinig ng naghihinaing ay binura sa iyong gunita...
Hindi inalintana.
Hindi ininda.
Walang pakialam sa kapwang naghihinaing.
Mga mata't pandinig mo'y tutok sa sariling nais...
Kay lungkot.
Kay lamig.
Yan ba ang nagpa-Paring wangis?!
O, Christopher!
Damang-dama ko ang iyong pagkamanhid...
Na animo'y wala kang narinig...
Na sa kisap-mata, ang tinig ng naghihinaing ay binura sa iyong gunita...
Hindi inalintana.
Hindi ininda.
Walang pakialam sa kapwang naghihinaing.
Mga mata't pandinig mo'y tutok sa sariling nais...
Kay lungkot.
Kay lamig.
Yan ba ang nagpa-Paring wangis?!
O, Christopher!
Jul 25, 2014
Pangako
Kung susumahin,
madali ring tumalikod at magkunwari
Na animo'y ang mga binitawan mong salita
ay bahagi lang ng aking guni-guni,
Na ang pagpisil mo sa aking braso
habang ika'y nagpapahintay ng tatlong taon
ay bunga ng isang nangangarap ng gising.
Kay daling huwag maghintay at umasa
Kay daling maging praktikal
Ngunit ang pagibig na dalisay
para umusbong kapagdaka
ay naitatanim lamang ng patuloy na pagbibigay
Ng awa, unawa, at tawad
Gaya ng patabang hinahasik sa tanim,
ito'y manunuot sa iyong mga ugat
at dadaloy sa iyong katawan
at tutunaw sa iyong pusong bato
Mula sa tubig ng pagmamahal
na aking dinilig
Para sa iyo, Christopher.
madali ring tumalikod at magkunwari
Na animo'y ang mga binitawan mong salita
ay bahagi lang ng aking guni-guni,
Na ang pagpisil mo sa aking braso
habang ika'y nagpapahintay ng tatlong taon
ay bunga ng isang nangangarap ng gising.
Kay daling huwag maghintay at umasa
Kay daling maging praktikal
Ngunit ang pagibig na dalisay
para umusbong kapagdaka
ay naitatanim lamang ng patuloy na pagbibigay
Ng awa, unawa, at tawad
Gaya ng patabang hinahasik sa tanim,
ito'y manunuot sa iyong mga ugat
at dadaloy sa iyong katawan
at tutunaw sa iyong pusong bato
Mula sa tubig ng pagmamahal
na aking dinilig
Para sa iyo, Christopher.
Apr 17, 2014
Shameless
I am not ashamed to tell you, "I Love You!",
For this is from God.
What is the use of love if we do not express it?
If it is bottled up in some corner of our mind and heart...
But, if I am unable to do so in word and deed,
Then, I have failed in loving you as I should...
For this is from God.
What is the use of love if we do not express it?
If it is bottled up in some corner of our mind and heart...
But, if I am unable to do so in word and deed,
Then, I have failed in loving you as I should...
Subscribe to:
Posts (Atom)