Aug 5, 2013

Hangganan

Ilan pang bukang-liwayway, mahal, ang iyong iindain na may pagkukubli at pagkukunwari?
Ilan pang pagkakataong maging malaya sa Katotohanan ang iyong sasayangin?
Ilan pang biyaya ng pagmamahal at pagaaruga ang iyong tatalikdan at pagmamatigasan?
Lahat ng bagay may hangganan...

Siguro naman, ikaw ma'y napapagod din...
Nahihilo na rin sa mga pinagtagni-tagni mong kwento...
upang makagalaw sa mundong halaw sa kalikutan ng iyong pagiisip,
ngunit di maikubli ng iyong balintataw...

Pasaan pa patutungo ang iyong buhay...
Hindi pa naman huli ang lahat para magsimula muli.


Jan 31, 2013

Artista

'Wag kang mag-alala, Mahal
Nauunawaan ko ang iyong pinamalas na kadeadmahan.
Arok ko pa naman ang ginagawa mong kadramahan,
Unawa ko ang "reputasyong" iyong pinangangalagaan.

Sige lang, hanggang gamay pa ng aking katalinuhan
--at kung kapusin ma'y 'wag ka pa rin kabahan...
Nangako Siya, hindi Niya tayo pababayaan.
Pagmamahal Niya ang magtatawid sa atin mula sa karimlan,
...sa landas ng galak at dalisay na pag-iirugan.

Jan 16, 2013

Nyebe

Malapit nang matunaw ang nyebe...
Malapit?

Ngunit isang lingo na ang lumipas.
Nagsimula na pala ang pagtunaw...

Dama mo na ang lamig
nakakanginig sa iyong kalamnan
Sumisiid hanggang buto
nakakapanindig ng balahibo.

Sa pagtunaw ng nyebe,
ang tubig ay dadaloy nang muli...
unti-unti ito'y maiipon
para magsilbing balon
sa mga lupaing uhaw at nagaantay

Bagong simula ay nagbabadya...
Sisibol muli ang buhay...

Malapit na ang tag-sibol.
Malapit na!

Jan 13, 2013

Still

"Donde es tus, mi amor?!"

I asked the Universe in the silence of my heart...

"Where are thou, my love?"

I blew the thought along with the breeze...

And in a swift movement of the leaves atop the trees,

The wind blew back a whisper still, "I am here!"

I looked around but could not find him.

Yet the voice resounded still, "I am here, my love!"

A blush warmed up my cheeks as I realized...

...the voice came from my heart.

Por fin, estoy tranquilo!!! 


Deo Gratias! ♥ ♥ ♥

Jan 5, 2013

Larawan

Pag-upo sa aking mesa,
larawan mo ang bumubungad sa aking mga mata...

Hindi mapigilang mapangiti tuloy sa tuwina
kapag nakikita ang mala-Adonis kong sinta...
Kusang napapasabay sa ngiti mong kay ganda.

Ay naku! Namimiss kita talaga,
Kaya heto tuloy, nagiging makata!
Pagpasensiyahan mo na...

Follow iamreborn on Twitter