Hindi Dapat Manghinayang
Sa anong pagkakataon ka ba dapat manghinayang?
...sa isang relasyong nasira dahil sa isang pagkakamali?
...sa isang relasyong inaakala mong maganda ang kinabukasan?
...sa mga bagay na plinano mo para sa relasyong iyong pinakakaingat-ingatan?
Dapat nga ba?
Pano kung, sa simula't simula pala'y, huwad ang relasyon?
Pano kung ito pala'y isang ilusyon?
Pinaniwala na may mabuting samahang nabubuo?
Pinasakay na ang samahan ay dalisay at walang natatagong adhikain?
Pano kung ang lahat pala ng kagandahan at kabutihang pinakita ay isang engrandeng pakana upang ikaw ay malito, mahulog ang loob, at maging kasangkapan sa isang pansariling pakinabang?
Dapat pa nga ba itong panghinayangan?
Hindi.
Hindi dapat manghinayang.
Ilusyon lamang ang lahat!
ILUSYON!
Kaya bumangon ka na sa iyong pagkakalugmok!
Gumising na sa katotohanan!
Tara!
Oras na para yakapin ang katotohanan!
Heto ang aking mga kamay!
Tanganan mo.
Ito ay tunay at dalisay.
Ito ay totoo.
Hindi ilusyon.
====
NB. Para sa aking mahal na kabiyak.

1 comments:
pero sino ba ako para magsabi nang ilusyon lang ang namagitan sa inyo?
Post a Comment